"Follow your emotions and desires"

"Maraming Salamat"

17/03/2014 10:13
    Kanina may isang kaibigan ang tumawag sakin at ganito ang nabanggit  "uy sikat ka na" dahil nag aabang na yung mga tao sa tula mo,manager ko kilalang kilala ka,at ang sabi napakagaling mo,at panay ang abang nya sa mga tula mo,at syempre proud naman ako sinabi ko sa kanya na kaibigan kita,sabi ko nga sa kanya sadyang napakagaling mo,humble at talented pa".
 
    Para naman sakin ,sadyang nangingiti lamang ako at palagi ang pasalamat sa Itaas na nakakaabot sa mga tao ang isinusulat ko.
 
    Sa totoo lang pakiramdam ko hindi ako yung sumulat ng mga tula na yun,pakiramdam  ko nga may sanib sa pagkatao ko kapag nagsusulat ako.
 
    May mga oras na bina balik balikan ko yung mga tula,kapag nabasa ko,minsan masasambit ko sa sarili ko "Panginoon salamat ibinigay Mo sa akin ang kaalamang ito at ibinahagi Mo sa akin ang salitang ito,para maiparating sa mga tao.
Hindi ko kailanman naisip yun na makilala ako,yun ang purpose ko maibahagi ang inspirasyon sa mundong ito. Masaya ako,ni kailanman hindi ako napagod magsulat ng mga tula,kahit nasaan man ako, dala dala ko padin ang ipinagkaloob ng nasa Itaas.
 
    Minsan nga kumain ako sa Mc Donalds sa Dubai,may nagtanong sakin isang kabayan ,naglilinis ng sahig,sabay lapit sakin at sabi "ate ikaw ba yung sa Kabayan,nakita kita sa dyaryo ,pero baka kamukha mo lang, syempre ang sagot ko "ngiti padin" at sya pala ay may dyaryo at sabi"sabi na nga ba ate ikaw to ,sabay turo sa larawan ko,sabay sambit " palagi ko inaabangan yung mga tula mo". Maganda kasing basahin bago simulan  ang araw. At sumagot nako ng "Salamat ha" at ngiti padin.
 
    Marami din ang nagpadala ng mga mensahe,sa email ko at sa official facebook page ng Mypenandsoul,ang iba nagpasalamat at iba naman nagrequest ng tula at ang iba ay lalo pa kong binigyan ng inspirasyon na magsulat pa.
 Salamat ,maraming salamat sa lahat ng mga sumusubaybay sa POEM OF VIEW ng KABAYAN WEEKLY…at BLOG ko na MY PEN AND SOUL…
"Sana hindi lang ako ang magsulat,sana madami pa ang gumawa ng tula at maibahagi ang kung ano nasa puso nila"
 Madalas ko nga sabihin na darating ang araw mawawala din ako, malilimutan sa mukha at pangalan pero habang nabubuhay pa ako nais ko lang na ibahagi bawat inspirasyon na kayang kong ibahagi at punan ang pagkakataong ito. Ipinangako ko na sa Itaas na hinding hindi ako titigil sa pagsulat kung iyon ang aking misyon sa mundong ito.
                                                                                                                                                 
                                                                                                                                                    -Eureka Bianzon
                                                                                                                                                       Blog
 
 

Eureka Bianzon © 2014 All rights reserved.

Make a free websiteWebnode