"Follow your emotions and desires"

Kung kaya ko,kaya mo din

11/03/2014 10:16

Marami ang nagtanong sa akin kung paano ako naging modelo, yung iba personal akong tinanong yung iba naman ay nagpadala ng mensahe sa facebook ko. Ako din sa sarili ko,parang hindi ko din alam ,pero ang alam ko masaya ako,maibahagi ang kwento na nais kong ibahagi sa inyo.

Simula pagkabata palagi na akong sinasabihan na maganda ako,maganda ang mata kong bilog,at maliit na bibig ng mga magulang ko,mga kamag anak,pero hindi ko nakita sa sarili ko yun, naaalala ko kasi nung ako ay nag aaral para akong lalaki,siga din ako maglakad,hindi ako paladamit ng bestida,maliban lamang kung iyon ay bigay ng aking mga tiyahin buhat amerika,syempre susuotin ko,padala eh,o kaya naman eh bigay ng aking ina,susuotin ko kasi regalo.

Hindi ako palaayos ,hindi din ako palasuklay ng buhok,tama na yung naligo ako at pag pasok ay buhaghag padin,palagi ako sinasabihan ng mga kaklase ko noon sa highschool,na magpakababae daw,kasi sayang naman daw ako, nakasumbrero pa nga ako noon kung maaalala ko, o kaya naman ngunguya ng chewing gum, madalas ko din dala ang gitara sa klase lalo nung nagcollege nako,napagtsismisan pa nga akong lesbian noon,pero okey lang din sakin kasi,mabuti nang ganun hindi maging lapitin ng mga guys,hehe.

Astig nga din kung tawagin nila ako nun. Kaya nga nung unang post ng photos ko mula sa funshoot doon na umulan ng mga katanungan,paano?kung ako ba yon?…ngiti lang halos ang maibigay ko. Yung iba nga ang sabi "Gumanda ka"

At nung nakita naman ang picture ko noong runaway show,may isa nakapagsabi aba marunong ka na pala mag suot ng sapatos na may takong,dati rubber shoes ka lang ah,at sabay banggit "Babae ka na"

Madami din naging masaya para sa akin at nawala ang pagdududa na ako ay lesbian.

Masasabi ko isa sa pagmomodelo ko ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko,kasi doon ko lalo natanggap sa sarili ko na kaya ko pala maging maganda,at mag pose tulad ng mga nakikita ko sa magazines at napapanood sa telebisyon. Tsaka dahilan din ng pagmomodelo ko kung bakit lalo ako nagpursigi na sumulat pa,kasi nakita ko yung maiinit na pagtanggap ng mga tao na nagbibigay apresasyon sa mga ginagawa ko.

Una mga magulang ko hindi nila gusto,gayundin ng mga kapatid ko,pero kalaunan eh nagustuhan nadin nila,kaya sobrang saya ko na tanggap na din nila yung ginagawa ko kasi masaya naman ako.Nawala lalo yung pagiging mahiyain ko noon na nawala din nung sumali ako sa banda at magperform sa harapanng mga tao.

Para sa'kin ang mga modelo hindi lamang basta pose ka ng pose sa harapan ng camera at makakuha ng pictures, ito yung inspirasyon na maibabahagi mo sa mga tao, na kahit gaano ka pa laiitin ,sa iyong kulay,pisikal na itsura, kahit gaano pa kaliit ,yung height eh hindi naman basehan yan,yun  ang napatunayan ko sa  sarili ko,madami napagkamalan akong matangkad sa kuha ko sa pictures,dipende din sa photographer yun,kung makukuha nya ang anggulo kung paano magmumukhang matangkad ang modelo.

Tuloy lang ang buhay,maiksi lamang ito,para hindi gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa'yo,kung hilig mo eh magsulat magsulat ka at ibahagi ang laman ng iyong puso sa mga tao,kung hilig mo naman ay musika,tugtog lang kanta kahit wala sa tono ang mahalaga ay mapakinggan ang himig mo at mensahe ng iyong kanta. Kung hilig mo ay magpapicture gaya ko,umpisahan na yan habang bata pa ,para ng sa ganun masubaybayan mo din ang iyong sarili taon taon.

Kaya kung kayo ko,kaya mo din,practice lamang sa selfie selfie at yun na yun pwedeng pwede na.Huwag mo hahayaan na hamakin ka ng mga tao, sa iyong pisikal na anyo, patunayan mo na kaya mo at isa ka sa inspirasyon na kayang maibahagi ang sarili sa mundo. Gayunman panatilihin padin ang kababaang loob kasi dyan ka mamahalin ng mga mahal mo sa buhay,gayun nadin ng mga kaibigan mo. 

                                                                                                                                                -eureka

                                                                                                                                                 www.mypenandsoul.wordpress.com

 

Eureka Bianzon © 2014 All rights reserved.

Create a free websiteWebnode