"Follow your emotions and desires"

HINDI NATIN ALAM ANG BUKAS

09/02/2014 11:13

Sa buhay natin hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundo, sa totoo lang hindi ako futuristic na tao,hindi ko nakikita sarili ko sa mga pahanon gaya ng 10 taon mula ngayon,kung ano na ang estado ko sa pagdating panahong iyon,palagi kong naiisip paano bukas kung ako'y wala na ,at hindi na makakausap pa ng aking mga mahal sa buhay,aking mga magulang,aking mga kapatid,kamag anak,mga kaibigan,lalo na yung taong lubos na nagpapasaya sakin ngayon ang aking kasintahan.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magkaroon ng magarbong buhay,magandang sasakyan,hindi ko talaga iniisip ang para sa sarili ko,ang gusto ko lang ay yung mapasaya ang mga magulang ko hangga't kaya ko at hanggang may hininga pa ko,kasi yun ang kasiyahan ko yung Makita silang masaya at madinig ang kanilang boses na nararamdaman ko yung mga tawa nila.

Madaming nagtatanong kung bakit gustong gusto ko magsulat,isa lang ang maisasagot ko"kasi hindi ko alam kung bukas ay makakapagsulat pako at may kakayahang maibahagi ang inspirasyon sa mundo.

Lahat mahalaga para sakin kalikasan,mga hayop,halaman,hindi mga materyal na bagay,hindi ko naman kasi yun madadala sa kabilang buhay, ang gusto ko makapagpasaya ako,may mapangiti ako, may mabigyan ako ng inspirasyon kahit wala na ko…

Isa lang ang aking hiling sana pagdating ng panahon na wala na ako,nawa'y maikalat sa buong mundo ang mga naisulat ko,lalo na yung mga tula na nagmula sa puso ko…

Sa'king pamilya,kamag anak,kasintahan,kaibigan,mga mambabasa,MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO!!!

-Eureka

Eureka Bianzon © 2014 All rights reserved.

Create a free websiteWebnode