"Follow your emotions and desires"

"Buhay OFW, Bigyang halaga" by Eureka C.Bianzon /Featured Article in Kabayan Weekly newspaper/KW page6, Issue 17, August 30-Sept

13/07/2013 13:00

www.kabayanweekly.com/?s=eureka

Nilisan ang sariling bansa,upang matupad ang pinapangarap na marangyang buhay ng maiiwang pamilya...ito man ay mga magulang,kabiyak,o sariling anak,Lingid sa kaalaman ng nakararami,ang mamuhay sa isang bansa ay kinokonsiderang pag uumpisa ng bagong pakikipagsapalaran na animoy walang katiyakan sa landas na patuloy pang  tatahakin sa paglipas ng mga taon ..karamihan sa atin sa Pilipinas kapag binanggit ang salitang "abroad" ang unang pumapasok sa bawat isipan ay "mayaman" dahil sa malaking kita....Ngunit hindi lahat ng nasa abroad ay pinapalad..hindi lahat nararanasan ang magarbong buhay,ang mga ilan sa atin ay mga pawang alila,nanatili sa matinding init tulad ng mga construction workers,ang iba namamasukan bilang kasambahay,mapalad nalang kung ang mapapasukang amo ay maunawain, ang mga ilan sa aking nakausap ay nagtitiis sa kakarampot na sahod,sa kadahilanang walang katiyakan na makahagilap ng mapapasukan trabaho sa ating bansa..Ramdam ko ang kalungkutan ng isang Pilipina kung maalala ko noon ay isa sa yaya ng aming pasyente sa aking pinapasukang pribadong klinika,nasambit  sakin ang salitang ito "kapag nagkakasakit itong anak ng amo ko,naiiyak ako,naaalala ko ang anak ko "na hindi ko masubaybayan at maalagaan tulad ng pag aaruga ko sa batang ito"pangungulila sa sariling anak,habang nakikibaka sa buhay abroad na punong puno ng sakripisyo para sa mga naiwang minamahal...sakripisyo na kung bibigyan ng kahulugan ay " walang katumbas"..pawis at luha...mapunan lang ang mga pangangailangan hindi ng sarili kundi ng iba..

Nandiyan ang tipirin ang sarili,oo  masarap ang pagkain dito sa abroad.,pero ang ilan kailangan magtipid,uulitin ang ulam upang pagkasyahin ang naiwang allowance para sa sarili...need to survive bago dumating muli ang sahuran..magtatanung tanong magkano na ang palitan,ibubudget na ang pera hnd pa man natatanggap,at paglapag sa kamay isa lang ang tanging mithiin ang "makapagpadala"...minsan napapadaan ako sa foreign exchange,pagkatapos ng sahuran,mahabang pila talaga,sobrang namamangha ako sa tatag ng bawat Pilipino dito sa abroad,sobrang humahanga ako dahil hindi talaga sarili ang iniisip kundi pamilya...tama ng maiwan ang budget para sa inuupahan,at pagkain para sa isang buwan,yun ay kung paano pa nya titipirin,dito walang taga luto,walang tagalaba,lahat ay gagawin ng magisa...

Hindi lahat ng nandito ay mapalad,ang ilan pa nga sa ibang nakilala ko dito ay pawang mga takas sa salbaheng amo,hindi lang iisa ang nakita ko...sabi ko sa sarili ko..ganito ba talaga ang buhay abroad..ganito ba ang tindi ng pakikipagsapalaran ng ilang OFW.

Ngayon aking natanto na bayani talaga ang bawat Pilipino.maikukumpara nga sila sa isang sundalo..nandiyan na pagnagkasakit mag isa,kapag mag isa naluluha nalang sa pangungulila...

Nawa'y lahat ng mga mahal sa buhay ng mga taong nandito ay patuloy padin silang bigyang halaga..mga mensahe na makpagpapalakas ng kalooban..maganda na ang teknolohiya ngayon walang imposible...yun naman ang tanging hiling pagpapahalaga na hind lang maaalala kung kailan magpapadala.Masakit man kung iisipin ang mga hinanaing ngunit yan ang katotohanan,masaya ang makasama ang pamilya,walang katumbas,naway hindi pa huli ang lahat upang bigyang kasiyahan ang mga bayaning Pilipino saan mang bansa dito sa mundo...

 

 

Eureka Bianzon © 2014 All rights reserved.

Create a website for freeWebnode