"Follow your emotions and desires"

"Ama na nagtangis ng kalungkutan" Isang artikulo na hango sa tunay na buhay

18/03/2014 18:46

(Kwento hango sa tunay na buhay)
Katatapos lang namin mag simba ng pamilya ko noong araw na iyon ng biglang may tumambad sa harapan namin na isang mama na halos may edad na,siguro kung eestimahin ko nasa 60 anyos pataas na iyong matanda,naglumpasay sya, kaming dalawa ng kapatid ko na sumunod sa akin na si Kheng ang kasama kong nakakita sa kanya,naglipon ang mga tao,kaya ang ginawa namin pinaalis namin sila para magkaroon ng sapat na hangin sa matanda,itinagilid namin sya para hindi sya mabulunan ng kanyang sariling laway o kaya naman ng kung anong maisusuka o lalabas sa bibig nya,sa tulong ng Diyos,pareho na kaming nurse noon ng kapatid ko, Si mama isang reflexologist,kaya alam nya ang pressure point at gagawin sa matanda...Sa awa ng Diyos nagkamalay sya at nahimasmasan.Pinaupo namin sya sa upuan malapit sa pinto ng simbahan, pinaypayan at pinomentuhan ni mama ng basang tela, sapagkat napakainit nito nung aming hinawakan.
Nasa harap ng prisinto ang simbahan, may mga pulis na nakakita sa amin at dinala kami doon kasama ang matanda,na tila ba pagod na pagod at kalunos lunos ang itsura,hindi man namin sya lubos na maunawaan dahil hindi sya nakakapagsalita ng wikang tagalog,siya ay naglakbay patungong Maynila mula Ormoc Leyte,Lumabas si mama upang bilhan ng pagkain ang matanda, Nagsimula na siyang ininterview ng mga pulis , kasama ang isang translator na bisaya,nalaman na kaya sya napadpad sa Pampanga ay dahil hinahanap nya ang kanyang dalawang anak na dalaga, na diumano'y pinangakuan ng magandang trabaho sa Maynila,madalas daw balik balikan ng mga negosyanteng babae at pinapakyaw din madalas ang mga inilalako nitong mga isda.Naging mabait ito sa pamilya nya.Sumang ayon sya dahil sa pagkumbisi ng kanyang mga anak na ang edad ay nasa 18 hanggang 20 anyos lamang,Gwapa daw ang kanyang mga anak at matangkad palagi nyang sambit.
Pinakita sa amin ng matanda ang dala nitong bag na tila punit, ayon sa kanya ay ninakaw sa Maynila ang pera na dala nya na pinagbentahan nya ng dalawang kalabaw upang makatulong sa kanya sa paghahanap sa mga dalaga. Nais ni mama na sya ay patuluyin sa bahay ngunit ang sabi ng mga pulis sya muna ay mananatili sa presinto para makapagpahinga.
Isang kwento ito sa tunay na buhay na sadyang dumurog sa puso ko,pagmamahal ng isang ama, bakas sa kanya ang pagsisisi kung bakit sya pumayag,subalit ramdam ko na hindi nya iyon kagustuhan,Namumugto ang kanyang mga mata sa hapo ng kalungkutan...Hindi sya napapagod sa paghahanap kahit na bumigay na ang kanyang katawan sa pagod, gutom at init mula sa sikat ng araw at lamig dulot ng pagbagsak ng ulan,hindi nya yun iniisip dahil mas higit pa dun ang kanyang ginawa sa ilang taon nyang pag aruga at pag gabay sa mga ito.
Walang magulang ang nais na malayo sa anak,walang magulang ang nagnais na ang anak ay mapahamak. Walang tutumbas sa pagmamahal ng mga magulang,sa tyaga,pagdisiplina,pag aruga hinding hindi natin iyon mapapantayan....
Kung nasaan man sya ngayon nawa'y ligtas sya at nawa'y nakabalik na sa kanya ang kanyang dalawang anak na dalaga...

          ~Eureka

Eureka Bianzon © 2014 All rights reserved.

Make a free websiteWebnode